Friday, May 11, 2012

Happy Mother's Mama! You are the only one....


Dear Mama,

Hindi ko alam panu uumpisahan ang drama.Chos!

Hindi ko rin alam kailan pa yung last letter naming tatlo sayo. I can’t even remember, the occasion either. Pero alam ko at hindi ko malilimutan na araw mo today.  Siyempre HAPPY MOTHER’s DAY Mama!

 Pag sumasapit ang ganitong okasyon sa Pinas, lam ko hindi namin pinapalagpas na I greet ka o si Papa ng HMD o HFD. Kahit simpleng bati lang, halik lang o may kasama pang regalo. Hindi namin nalilimutan. Gift? hehe..

Meron akong pinapakinggan sa radio tuwing umaga. At nung Thursday lang, about sa Mommies ang topic nila. Hindi ko mapigilang ngumiti mag-isa dahil sa mga quotable quotes na mula sa mga ina na nakakatawa at hindi ko rin mapigilan na maging emotional while I was listening to the DJ’s who were reading a hundreds of very good entries about moms. Pero meron akong na realized while listening, Ma, naiiba ka sa kanila. Bakit?

I can still remember yung naikwento mo samin dati na habang pinagbubuntis mo pa kami, ipanalangin mo na maging malusog kami at magaganda! Hehehe at nangyari naman! Kitang kita ang mga ebidensiya at ang ibinunga ng kahilingang iyon! Pero anu naman ang panama naming tatlo sayo..
1. Ikaw na nang manganak ay nanatiling makinis at walang mababakas na kamot ni papa, este kamot tanda ng pagbubuntis. Samantalang kami. Never mind! Hehe..


2. Ikaw na, nanatiling kikay kaya sayo kami kumukuha ng mga damit at kikay stuff!  Lalo na ko. Ikaw na, 24/7 na nagtatrabaho, {kayo ni papa} at walang day off sa pag-aalaga at pag gabay samin hanggang ngayon! 


3.    Ikaw na, kung magalit daig pa si Hitler! At ikaw kung minsan ay bumabanat eh daig pa ang karneng makunat. Ang corny… hehe. 



4.  Ikaw na nagpapayo samin na, pag ang lalaki, maitim ang gilagid, SALBAHE. Hehe.. para saken ata to eh.

Mama and Tita..

5. Ikaw, yung tipong laging may sinasabing good qualities ng isang pagkain. Oh, kainin niyo to.. maganda to sa balat. Oh ito kainin niyo to masustansiya, at kainin niyo to nakakagaling nang gantong sakit. Ikaw lang ang ina na laging may trivia sa pagkain, kakapanuod ba ito ng TV tuwing umaga? Hehe.. Very helpful ma! Aprub! {Daming alam!}

Papa and Mama

6. Ikaw, yung tipong pag nag a- out of town tayo, naninigaw kapag nakikita mo na kaming pumupunta sa malalim na parte ng pool o dagat, remember sa Maquinit Hot Spring in Coron? Hehe.. Malalaki na kami ha, super worried pa rin siya! At kontodo sigaw kahit may mga tao.

7. Ikaw na nagre-remind na bawasan ko ang pagkain ng kanin dahil bumobodyok na ang tiyan ko pero tuwang tuwa ka naman, kapag nakikita mong sarap na sarap kami sa luto ni papa! At nakakalimang sandok kami! Hahaha!

Sa walang kahilig hilig sa jumpshots!


8. kaw, na laging binibida si papa, kapag nanunuod tayo ng TV. Let’s say may lalaking kamukha ni papa. Mag jojoke kame. Sasabihin naming para si papa lang pero ikaw lagi kang may sasabihin o laging may way na I build up si papa. You always raise papa’s good attributes like, “eh si papa naman maganda ang mukha kahit maiitim..kasi tamad mag eskinol eh! And so on and so forth”. Mabait naman si papa.. Masipag si papa! 

@ Bukidnon

9. Ikaw na hindi napapagod na magmahal sa aming tatlo pati kay papa! Sa pagmamahal, sa pang unawa, sa pag asikaso at pag nagkakatampuhan tayo, ikaw yung tipong although you are sensitive, minsan nagkakatampuhan tayo, hindi mo pa rin kami sinusukuan! At yun ang isa sa lalong nagpapatatag sa ating lahat!

@ Coron, Palawan
10. Ikaw, na kahit takot na takot eh sumasama samin sa iba naming mga trip. Keri boom boom mo ang mga gala namin at adventure tulad ng E.K, Water Rafting, Ziplining, Snorkeling, Trekking, at even Pagsakay sa Ferris Wheel where we all know you really scared of…

Hehe, I told you..

Ma, don't wori. We're okay though..


11. Last but not the least, ikaw at si papa na nagpalaki samin, nagpamulat samin ng simpleng pamumuhay. Kayo na nagpamulat samin sa iisang tunay na religion! Dahil dito, mas lumaki kaming maayos, although hindi perfect daughters but we know that you are proud of us!  Proud kayo dahil proud kayo sa sarili niyo na kayo ang nagpalaki sa amin! 


Salamat sa lahat ng mga bagay na to. Napakaraming dapat ipagpasalamat!!! 

Salamat dahil hindi ka gaya ng iba na namamalo ng sobra sobra nuon. Bongga lang ang panenermon hehe. At hindi ka rin yung tipong nagpaparusa like paluluhurin kami sa asin o sa bubog. O kahit patatayuin kami ng matagal hawak habang ang ref at eletric fan ay nasa magkabilang kamay! hehehe at even we did not experienced to be grounded! 

At higit sa lahat mas proud kaming tatlong magkakapatid, dahil other people treat us special not becoz, obviously, magaganda kami, lol kundi dahil alam nila anak niyo kami. Salamat you raised us the way you wanted. Salamat, sa pagpapalaki niyo samin ng mahusay! Sa mga naabot namin sa pag- aaral, hanggang ngayon ay ikaw at si papa ang dahilan! Sa success at sa pleasant attitudes na meron kami, sa inyo namin yun nakita ni papa!  


Kayo ang idol at tinitingala namin! Gusto namin pagtanda namin, mapalaki din namin ang aming mga anak as proud as you are tulad na pagpapalaki niyo sa amin!
Ma, kulang ang mga salitang to, alam namin. Pero alam naming sa ganitong paraan mapapasaya ka namin nang tagos sa puso! More than a million material things in life, more than words to say we would like you to know that we really really appreciate everything you’ve done for all of us at mahal na mahal ka namin lahat!


We LOVE you Mama!!




19 comments:

  1. Mahal na mahal kita.. Ipapabasa ko ba sayo to? Nahihiya ako eh.. Pero dapat, ang the best ipakita at iparamdam ko sayo kung gaanu kita kamahal! No need for words but action! We are very proud na ikaw ang aming ina! God Bless mom..

    ReplyDelete
  2. ang cool naman ng parents mo! :)

    Happy mother's day to your mom! Cheers!!! :)

    ReplyDelete
  3. She is super and great Mom!

    ReplyDelete
  4. Awww... Happy mother's day sa mama mo. :)

    ReplyDelete
  5. Bloghopping :)

    Happy mothers day to your mom!

    www.joeiandme.com
    Please LIKE my Facebook page also :)

    ReplyDelete
  6. Thanks T and Joei: Same to you guys, tnx. Happy Mother's Day to all moms out there!

    ReplyDelete
  7. happy mothers day para sa mommy mo.....

    ReplyDelete
  8. naks ang cool ni mommy mo a, happy mother's day!!

    ReplyDelete
  9. Happy Mother's Day! =D




    travelling-bisaya.blogspot.com

    ReplyDelete
  10. kyot ni mudrax! lupit ng mga pics.

    happy mother's day sa kanya! XD

    ReplyDelete
  11. nakakaiyak nman to!! pabasa mo sure aqng maappreciate ng sobra at matatouch! =) happy mother's day sa mga mama natin!

    ReplyDelete
  12. Salamat guys for the greetings and remembering. Same here to your mothers. Thank!
    Jess: hehe, ako nga naiiyak. Hiya ko pag pinabasa ko.. hehe. baka reaction. hehe.. Happy Mother's day kay Tita! Thanks Jess.

    ReplyDelete
  13. Bloghopping!

    I love the candidness of this entry. And your mom is beautiful :) Happy mom's day to her! Albeit belated :)

    ReplyDelete
  14. Koryn: And so I am.. hehe. Thanks. HMD also to your mom :)

    ReplyDelete
  15. Pretty Mom! pabasa mo sa kanya for sure matutuwa yun...

    ReplyDelete
  16. Happy mothers day to your mama. Ang sarap talaga pag may cool kang nanay.

    ReplyDelete
  17. wow! very sweet. Siguro teary eyed niyang binasa to... sa kakatawa. Tawa ako ng tawa sa mga banat mo girl. hahah! Hitler talaga?!

    namana nyo tlga ng bongga ang mgndang genes ni mommy. Pretty much!

    ReplyDelete
  18. Glad: Thanks, kaso til now di ko pa rin mapabasa eh.. hehe
    Juanderfulpinoy: Cool mom talaga. Thanks!
    Kua Christian: hehe..makulit at the same time masungit. hehe..lahat na! siya na!
    Chris: Thanks Chris for the invitation.. will visit and lyk urs too.
    Kura: Yes maganda lahi ni mama.. obvious ba! pati rin kay papa! hehe thanks to u all guys!

    ReplyDelete