Saturday, July 23, 2011

Eto na ba ang totohanang pagiging blogger ko - kung sakali?

Hahaha! The way I read my title parang kadiri.
Eh, nahihiya tuloy ako, parang hindi akma ang post title ko kase isang taon na kong pose ng pose.....
este, post ng post ng kung anu anu dito, un pala, di ko pa feel maging blogger. 

Add caption daw, anu ba ilalagay ko edi blog. (toinks) La talaga wenta! lols

Eh anu ba ang sukatan ng totoong blogger. Ito ang mga nakalat kong tsismaks at ito ang top 3:
Una-                       maraming post chimpri,
Pangalawa -           maraming friends o followers at
Pangatlo -              maraming comments.

Oh sabi na eh, walang dumadaloy na ganyang katangian sa aking royal blood. Ay teka, meron pala, marami akong post! Oe bakeeeeeeeeett!! Totoo naman ah, nakaka ilan na nga ba ako, teka nga't mabilang...wait.

5....4.....3.....2......

Eto, eto na. Inip agad eh! oh ito, 2010 meron akong 51 post. 2011 including this post 18, that's make 69. Ay, bastos pa ang result.  Eniweys, not bad ha, I started blogging since last year.  Pero wala pa rin akong naipong followers at comments. Haha, follower ba ika mo ay meron din, ISA! Officemate ko pa na enganyo ko rin sa kalokohang ito. Sa awa ng Diyos mas marami pa siyang comments kesa sa kin, uy pero, 4000 + naman ang viewers ko. Sa kanya ata 500 +. hahahahaha!!!

Anesli, hilig ko magsulat kahit nung bata ako. Sa hobby kong ito, tuloy napagalitan ako ng titser ko, pati arm chair ko at titser table, un sinulatan ko!!! hehe, chos lang! Mahilig din akong magbasa.  Pero hindi ako genius, onti lang. onti lang. Hilig ko basahin mga dictionary.(Ayaw talaga paawat)!

Uy readers (kung meron) eto pa, Good News! Nag comment lang naman sa previous post ko si Chyng. Ohh, san ka. Mga batikang bloggers! Sosyal. Naiganyo lalo tuloy ako sa hobby na ito.

Dati, ang gusto ko ma achieve ung ingles inglesan na post, pero talagang nose bleed ako eh, alam mo un, parang may kausap kang porenger, at hindi mo masabi- sabi ang gusto mo.  Kaya onti lang ko mag post. So I realized (nakana, nag ingles pa ulit) taglish nalang which I really do naman. Nag advise pa si Annexia na i pure english ko ang blog ko para maka get ng money from blogging. Kase I was trying to add ung monetize ba. kaperahan, e di umuubra saken at prefer ko ung taglish talaga para mas maraming makarelate na pinoy.

I love blog, but did it love me?
Eto pa ang isa pa pala sa top 3, blogger ka kung may SLR ka. Ung specs eh to the highest level not to mention ung mga lente. Eh panu na naman nyan, wala ako. I know, I know (gasgas kong ingles) I was so pathethic.  But, but, (first ingles word na alam ko para mangatwiran sa nanay ko, another chos!) I've been planning to buy one. Magkanu nga ba SLR ngaun, 20k plus lang naman and up! Swerte mo nalang if nakatsamba ka ng cheaper than this. Sus maryosep, butas bulsa ito.  

Last one, bukod sa marami kang post, isa sa mga dapat mong i post eh ung mga travel acts mo at mga very informative post. Patay na naman, eh puro personal acts ko ung pinost ko dito. Hala, kaya pala, anu ulit ranking stat ko, it's always in between of 700 - 800 top blogs. Hahahaha,  Sabi pa ni Annexia bakit daw nasa pang 800 ako eh, ang daming magagandang blog entries. Wow! O cge para sayo friend, pang 1000 + nalang ako. okey na...? Di pa nakuntento, eh super kulelat na nga aketch. hehe. Uy joke lang ha. best friends kami nyan ni Ate Anne eh. I recommend her blogs also. read it guys.
Isa pang nakikita ko jan bakit ako pathethic, ung pagiging reader ko lang and not being commenter? tama ba? anu ba ingles nag nagcocoment ha? Basta un ang alam kong term dun. Yaw ko na mag- abala tumingin sa dictionary noh.

Dapat ang blogger daw, give and take relationship (mag jowa) you gain and lose (game). Hindi kase ako mahilig mag iwan ng comments, nahihiya siguro o baka sabihin nila feeling close aketch. Natutuwa lang talaga ako sa mga post na nababasa ko. I am just a fan.  Pero now, I will push myself to leave comments and link my blogs with them coz I like a millions blogs I've used to read naman, actually. 

Tatapusin ko na ang post na ito with some "meron tayong kasabihang".....

  • What's the used of my beauty if my blog is empty?
  • Magbiro ka lang sa lasing ‘wag lang sa sken na nangungulelat sa ranking.
  • Ang blogger na nagigipit sa Adsense kumakapit
  • Nasa blogger ang gawa nasa Google ang awa.
  • Aanhin mo pa ang Yahoo! kung Google na ang uso.
  • Post with the same features, are the bloggers who go out together 
  • When all else fails, gawa ka nalang ulit ng bagong site.
  • Link unto others, as you would have them link unto you.
  • To rank, is to believe.
  • Tell me who your friends are para i follow ko din sila.

6 comments:

  1. ... Since you are there in Visayas (Davao), I hope you cud help me to find nice beaches and resorts.. located thin ur area. thank you. hope we cud share link. Here's mine. thanks.
    http://mitchlists.blogspot.com/...

    Hello Mitch, thanks for visiting my travel blog! :) But, FYI, Davao's in Mindanao NOT in Visayas. :)

    Anyway, I have posted an entry about my hometown. http://thetravelingnomad.blogspot.com/2011/07/from-islands-to-highlands.html

    ReplyDelete
  2. haha, naguluhan ata ko. nbsa ko visayas at davao. adik tlga ko. i'l check ur blog.thanks for the time..

    ReplyDelete
  3. As long as you love what you're doing, continue writing...

    Hehe

    Happy Blogging! :)

    ReplyDelete
  4. Thanks Krizzia..kya nga eh, as long as my passion ka sa isang bagay..do it lang.:)

    ReplyDelete
  5. Just stumbled onto your blog. Nakakatawa naman. You have a way with words that connects with your readers! Keep on blogging :)

    I also added you to my blog roll in www.AdventuringFoodie.com :)

    Aleah | SolitaryWanderer.com

    ReplyDelete
  6. Uy, salamat Aleah ha. It means alot for me. Thanks for linking my site at ur foodie.com. Oh btw, you have great blog too, Solitary Wanderer. ^^

    ReplyDelete